Luzon Travel

Cagbalete Island

Summer ng 2011 nang maisipan namin magpunta sa Cagbalete Island. Bago nun, nakatatlong beses din kaming nagpabalik-balik sa Puerto Galera (but that is another story haha!). Nakailang meeting din ang tropa bago napagkasunduan na sa Cagbalete sa Mauban, Quezon kami magpapalipas ng Holy Week 2011.
For a change daw. Siguro, nagandahan masyado dun sa picture ng tree house. Ay, ako lang pala yun.

image

Nagdala kami ng sasakyan nung nagpunta kame ng Mauban, Quezon. Pero maari rin namang mag-commute kayo. Yun nga lang, kung tulad namin kayo na trip magpunta dun ng Holy Week, mas maganda kung may dalang sasakyan. Baka kasi mahaba ang pila sa mga terminal ng bus.

Paano pumunta sa Mauban, Quezon? Sumakay ng bus na byaheng Lucena at bumaba sa Grand Central Terminal. Ayon sa aming mapagkakatiwalaang source (*ubo* google *ubo*), ang aircon bus fare ay nagkakahalaga ng 210pesos. Ang byahe ay mahigit-kumulang na 3 hours (or 4 hours kung peak season). Tapos, sumakay ulet ng bus na byaheng Mauban. 50pesos ang pamasahe sa minibus at halos 2 hours ang byahe. Pagdating sa Mauban, konting lakad lang, andun na kayo sa Mauban Port.

image

Haay, Mauban Port. Medyo bittersweet ang kwento sa Mauban Port. Ang sabi kasi ng mga lokal, may ferry na dumarating every 30 minutes or so, 10:00am-4:00pm ang byahe araw-araw. Murang-mura, 50pesos per person lang. Maaga kami dumating sa Mauban Port, wala pang 8:00am. Ok, dahil napaaga kami sa oras, kami ay nag-antay.

9:00 am. Maaga pa rin, so antay pa rin. Picture-picture muna.

10:00 am. Yehey! Kaso wala pa ring ferry. Oh why? Bili muna ng mga local delicacies.

11:00 am. May ferry na. Nde naman kami kasya.

12:00 pm. Asan na sina Manong Bangkero? Wala pa ring bumabalik.

1:00 pm. Parang gusto na namin magprivate bangka. Kaso ang mahal. Almost 2k, eh medyo tagtipid ang tropa.

2:00 pm. Amp! After 10,000 years, nakasakay na rin kami ng ferry.

Ibababa kayo nina Manong Bangkero sa Sabang. Maaari kayo sumakay ulet ng maliit na banca papunta Pansacola. Yun ay kung nde low tide. At dahil meron atang may balat sa pw*t sa mga kasama namin, nagkataon na low tide na. Wala ng bancang pede maghatid sa amin hanggang shore. In short, napilitan kami maglakad ng at least 1.5km. Wow! Trekking! Ayun, swerte ko; I’m a girl. Magaan lang bitbit ko na gamit. Malas nung nagdala ng higanteng cooler na may laman na alak at ice. 😛

image

Maganda naman sa Pansacola. Ang cute ng mga cottages. Ang masasabi ko lang, wrong timing ang low tide dun. At pag low tide, talagang low tide. Ang hirap kaya magswimming sa dagat na mas mababa pa sa tuhod mo ang lalim. Pero, ayos na ayos sa mga kids. Parang kiddie pool lang.

image

Anu ba pedeng gawin sa Pansacola? Maliban sa kumain at mag-inom? Magswimming (pag nde low tide). Wag na magdala ng salbabida. Hindi mo yun magagamit. Maniwala ka sa min. Magskimboarding. Magpoker. Maglaro ng 1,2,3 Pass! At kung trip nyong mag-ala Ghostbusters, may graveyard din dun sa isla.image

image

Ito nga pala ung video na ginawa ni Ten. Inde kasi sya masyado kumuha ng pictures.

Cagbalete Island from Ten Uy on Vimeo.

Sabi namin nung una, nde na kami babalik dun. Nakakabitin kase makipagpatintero sa dagat tuwing lowtide. Saka, mahirap din hulihin ang mga ferry boat sa Mauban Port. Pero, babalik kami. Siguro, nde na pag peak season.

Enhanced by Zemanta

You Might Also Like